Paraan ng pag-apela ng healthcare workers binweltahan ni PDu30

Paraan ng pag-apela ng healthcare workers binweltahan ni PDu30

August 3, 2020 @ 10:07 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga healthcare workers na sa halip na gumawa ng public statement ay magpadala na lamang ng liham o humingi ng audience na humihiling ng pansamantalang pagbabalik ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila (MM).

“There is no need for you and for the guys, 1,000 of you, telling us what to do publicly. You could have just written us a letter. Lahat naman ng sinasabi ninyo sinusunod namin,” ayon sa Pangulo sa kanyang publi address matapos na magpatawag ng pulong para talakayin ang apela ng mga medical worker.

Nakiusap kasi ang medical group ng “timeout” kay Pangulong Duterte.

Ang hiling nila ay dalawang linggo na ibalik sa enhanced community quarantine ang Metro Manila bunsod ng pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus.

Bilang tugon, isinailalim ng Pangulo sa two-week modified enhanced community quarantine sa National Capital Region at mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal simula Agosto 4.

Ang MECQ ay ‘less stringent’ kumpara sa ECQ subalit mas mahigpit naman sa general community quarantine.

Sa kabilang dako, nakisimpatiya naman si Pangulong Duterte para sa mga health workers, kinilala ng Pangulo ang kanilang pagiging “bone-weary” matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa infectious respiratory illness.

Iyon nga lamang, habang tumatagal ay naging magaspang ang boses ng Pangulo nang sabihin nito sa mga health workers na tila tinatangka ng nga ito na i-demean o pahiyain ang gobyerno.

“Kung sabihin ninyo you raise the spectacle of agony ninyo, you treat it as if you are about ready to stop work, huwag naman ganon kasi kawawa ang mga kababayan. Sino ang aasahan namin? I am sure that is not in your heart, I am sure that in your despair, I would like to tell you na ang iyong gobyerno ay hindi nag-iiwan ng mga trabahante. We are doing everything possible to alleviate the situation, to assist our healthcare workers,” ayon sa Pangulo.

“Pero huwag kayo magsigaw-sigaw rebolusyon. Sa totoo…Magsabi ka rebolusyon, go ahead, try it. Sirain natin, patayin natin lahat ng mga may COVID. Is that what you want? We can always end our existence in this manner,” dagdag na pahayag nito.

“I dare you, do it,” aniya pa rin sabay sabing makabubuting mag-pulis na lamang ang mga nurse kung gusto ng mga ito na mataas na bayad.

“I don’t give a f…if you gather one thousand, two thousand, but bear in mind na kayo mismo ipa-take over ko…tingnan ko kung ano ang lagay ninyo. We are not incompetents here because we are not doctors. Kayo dapat ang…You should do the soul-searching. Kayo ang makatulong sana at wala kayong ginagawa, puro magreklamo…what can I do? I have always been praying to God for a vaccine,” litaniya ng Pangulo.

“Do not try to demean government. You are not actually criticizing. You demean my government, your own government,” pagpapatuloy nito.

Aniya, ang kasalatan sa pondo ang dahilan kung bakit mabagal ang pagtugon sa coronavirus.

“To go almost on a rampage, parang galit at mag-rebolusyon rebolusyon… Alam ninyo nagtatrabaho kaming lahat. Kung ‘yan lang ang makaya ng pera natin, e ‘di hanggang diyan lang tayo,” aniya pa rin.

“Next time you can just ask for an audience pero wag po kayong magsigaw-sigaw, rebolusyon,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

“To send a message without giving government a chance, ngayon anong gusto ninyo? I will implement other things in this government without informing you? Would you be happy with that?,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...