Paraan para maiwasan ang spoilers ng Avengers: Endgame sa social media, alamin

Paraan para maiwasan ang spoilers ng Avengers: Endgame sa social media, alamin

April 28, 2019 @ 1:44 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Apat na araw na simula nang mag-umpisang pilahan sa mga sinehan ang pinakapinag-uusapang pelikula ngayon – ang Avengers: Endgame. Kaya naman, kabila-kabilaan na ang mga post, at memes ng mga excited na fans na hindi na nakanood ng naturang pelikula.

At para sa mga hindi pa nakapanonood ng Endgame, paano nga ba maiiwasan ang mga makukulit na spoilers?

FACEBOOK:

Talamak sa Facebook ngayon na isa sa pinakaginagamit na social media sa panahon ngayon, ang mga spoilers. Kaya para iwasan, hindi naman kailangang mag-logout sa Facebook at magkulong sa kwarto. Sundan laman ang mga simpleng paraan para masala ang mga makikitang post:

– Para sa PC users:

* Buksan ang Facebook sa browser

* Pindutin ang 3 dots na nasa News Feed option

* Pindutin ang Edit Preference at salain ang mga post

– Para sa mga smartphone users:

– Buksan ang Facebook app, pindutin ang horizontal bar sa kanang itaas na bahagi sa corner.

Pindutin ang Settings at hanapin ang News Feed Preference.

Mula sa News Feed Preference, pindutin ang option na ‘Prioritize who to see first’ at piliin ang mga kaibigan na alam mong hindi magsi-share ng spoilers.

Pwede ring i-unfollow ang mga taong magpopost ng mga spoiles.

TWITTER:

Mayroon feature ang Twitter na ‘Mute words’ kung saan pwede kang mag-block ng mga post o update sa pamamagitan ng mga keyword o salita.

– Buksan ang Twitter, at pumunta sa Settings and Privacy

– Sa ilalim nito, pindutin ang option na ‘Muted words’

– Mula dito, pwede kang magpasok ng mga salita na may kinalaman sa Avengers:Endgame, gaya ng Tony Star, Hulk,Spolers, Leaked Avengers video, Endgame, Avengers, at marami pang iba.

O kung matindi talaga ang spoiler sa inyong social media, baka panahon na talaga para panoorin na ang Avengers: Endgame. Kung napanood na, makiisa sa panawagan ng Russo brothers – Directors Joe and Anthony Russo #DontSpoilTheEndGame. (Remate News Team)