Paracetamol, iba pang pills may suplay pa rin – DOH

Paracetamol, iba pang pills may suplay pa rin – DOH

January 4, 2022 @ 1:35 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na agad nilang kinonsulta ang mga pangunahing drugstore chains at local manufacturers at suppliers  ukol sa status ng suplay ng gamot.

Ito ay kasunod ng ulat sa DOH sa umano’y shortage sa suplay ng Paracetamol at iba panggamot sa flu-like symptoms.

Pagtitiyak ng kagawaran sa publiko na habang naoobserbahan ang mataas na pangangailangan  sa ilang produkto, walang kasalukuyang shortage o kakulangan sa Pilipinas.

“Paracetamol has many generic alternatives in the market, which are available in many drug stores nationwide,” ayon sa inilabas na pahayag ng DOH

“We are  constantly  monitoring the status of supply  of critical medicines for COVID-19 includin  supportive  medicines for symptomatic treatment,” dagdag pa ng DOH.

Tiniyak din ng DOH na nakikipagtulungan  ito sa mga ahensya ng gobyeno gaya ng FDA at DTI  gayundin ang industriya upang magkaroon ng kailangang  produkto sa bansa sa pagtugon sa COVID-19.

Umapela rin ang DOH samga konsyumer na huwag mag-imbak , panic-buying o bumili ng anumang gamot na hindi clinically warranted. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)