Parade of Stars ng MMFF gaganapin sa Pasig River

Parade of Stars ng MMFF gaganapin sa Pasig River

December 13, 2021 @ 12:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbabalik ng Parade of Stars bilang isa sa highlight ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMDA Chairman at concurrent MMFF chairperson Benhur Abalos, isasagawa ito sa pamamagitan ng fluvial parade sa Disyembre 19.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” ani Abalos.

“Through this fluvial parade, we hope to encourage the public to ride the ferry service which sails from Pinagbuhatan in Pasig to Intramuros in Manila. This alternative transportation is traffic-free and you’ll get to appreciate the beauty of the river and the arts along the riverbanks.”

Magsisimula ang parade sa Guadalupe Ferry Station at didiretso sa eastbound bago ang C-5 Bagong Ilog Bridge. Magsasagawa naman ng U-turn at titigil sa Pasig City side at tsaka pupunta sa Makati Circuit bilang endpoint.

Ang isang lane naman sa kahabaan ng J.P Rizal mula Guadalupe Ferry Station hanggang University of Makati ay gagamiting drop-off point para sa MMFF guests at participants.  RNT/FGDC