Parak arestado sa carnapping

Parak arestado sa carnapping

July 1, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


COTABATO CITY- Arestado ang isang pulis sa isinagawang operasyon ng Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Mindanao Field Unit, CIDG BARMM, PNP-SAF, Regional Highway Patrol Unit sa dalawang bilang ng kasong carnapping.

Nasa kustodiya ng CIDG-BARMM ang suspek na kinilalang si Patrolman Jassim Muhammad Plaza Aking, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR at nakatira sa Barangay Rosary Heights VI, Cotabato City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas noong Hunyo 9, 2022 sa kasong sa paglabag sa R.A. No. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, naaresto ang suspek sa kanyang bahay nitong Miyerkules.

Ayon kay PNP-IMEG Officer-In-Charge PBGen. Samuel Nacion, nag-ugat ang kaso ni Aking ng lumantad ang dalawa nitong biktima isa na rito ang 65-anyos na lalaki na ninakaw nito ang kanyang Honda XRM motorcycle na may plakang 2817 JS.

Sunod naman nagreklamo ang kawani ng gobyerno at inakusahan ninakaw ni Aking ang kanyang Mitsubishi Strada pick-up truck na may plakang LGN 882.

Ang mga sasakyan ay nagkakahalaga ng P35,000 at P750,000.

Pinayagan naman ng korte si Aking na magpiyansa sa halagang P300,000 sa bawat bilang ng kaso para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico