Parak binugbog ng mga raliyista; Kaso kinakasa ni hepe

Parak binugbog ng mga raliyista; Kaso kinakasa ni hepe

July 12, 2020 @ 4:43 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Ronnie Montejo ang mga lider at mga miyembro ng iba’t ibang ’cause-oriented groups’ na sinasabing nagnakaw at bumugbog sa isang pulis, na magmamantine ng ‘peace and order’ sa isinagawang iligal na demonstrasyon sa Commission on Human Rights (CHR) compound, sa Brgy. UP Campus, Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Montejo, kabilang sa sasampahan ng kaso ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang mga suspek na sina Bryan Gonzales, lider ng KARAPATAN; Kara Lenina Taggaoa ng League of Filipino Student; Larry Balbuena, pangulo ng PASADA PISTON at iba pang lider mula sa BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, SANKA, Lumad, Save Our School Network at Kabataan Partylist.

Ang mga naturang suspek na sinasabing responsable sa pagnanakaw at pagbugbog kay PCMS Feliciano Evangelio, 46, na nakatalaga sa District Special Operations Unit (DSOU) sa Camp Karingal, ay sasampahan ng mga kasong Robbery, Physical Injury, Direct Assault, Grave Coercion, paglabag sa Republic Act 11332, RA 146 at Batas Pambansa 880 (Illegal Assembly).

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-10:30 ng umaga (Hulyo 11) nang magkasa ng sinasabing iligal na kilos protesta ang humigit kumulang sa 150 raliyista mula sa iba’t ibang cause-oriented groups sa CHR Compound.

Habang nagmamantine naman ng peace and order at nagmo-monitor sa rally, bigla umanong nilapitan ng ilang ‘di-nakilalang demonstrador ang limang personnel ng DSOU, kabilang si PCMS Evangelio.

Sa atas umano ng kanilang mga lider, bigla na lang hinablot at kinaladkad ng mga ito si PCMS Evangelio at binugbog.

Kinuha rin ng mga ito ang kanyang mga gamit kabilang ang kanyang itim na belt bag na naglalaman ng isang kalibre .9MM, Glock Gen17 na may serial number na PNP 09996 at dalawang magazine na kargado ng 30 live ammunitions, brown wallet na may lamang  mga ID at P5,000 cash money, G-Shock na wrist watch at isang IPhone 6.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng UP police at pinayapa ang grupo at saka dinala ang pulis sa kanilang tanggapan para sa imbestigasyon, saka malaunan ay itinurn-over sa pangangalaga ng CIDU.

“Their actions were certainly uncalled for especially that our policemen are there to maintain peace and order considering that their assembly is illegal. paliwanag ni Montejo. Jan Sino Cruz


  •  
  •  
  •  

Loading...