Parak bubulukin sa hoyo sa paggahasa sa ‘anak’

Parak bubulukin sa hoyo sa paggahasa sa ‘anak’

September 5, 2022 @ 4:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng pamunuan ng Northern Police District (NPD) nitong Lunes, Setyembre 5, na mabubulok sa kulungan ang pulis na kinasuhan ng statutory rape dahil sa umano’y panggagahasa sa siyam-na-taong-gulang na neneng anak ng kanyang kinakasama sa noong Sabado, Setyembre 3.

Ani Col. Ponce Rogelio Peñones Jr., acting NPD director, isinakdal ng statutory rape ang suspek na si Cpl. Reynold Aggabao Panao, 38, ng Valenzuela City Police Station (VCPS), sa Valenzuela City Prosecutor’s Office nitong Sabado, Setyembre 4 sa pamamagitan ng electronic inquest proceedings.

“In line with our CPNP’s (Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Auzurin) thrust, Malasakit in M+K+K=K, wherein we intensify our internal cleansing within our ranks, we will never allow abusive policemen to remain in our organization and tarnish the advances we attained because of the misdeeds of some police officers. He will rot in jail,” ani Peñones.

Agad hinuli si Panao sa kanyang bahay noong Setyembre 3 matapos na dumulog ang ina ng Grade 4 student na biktima sa VCPS Dalandanan Substation at kinumpiska na ang kanyang service firearm, tsapa at identification card.

Lumabas sa imbestigasyon ng Women’s and Child Police Desk (WCPD) na nagaganap ang panggagahasa 1 a.m. noong Sabado sa bahay ng suspek sa Sumilang Subdivision, Dalandanan, ng lungsod.

Ayon sa pulisya, ginahasa siya ni Panao at tumigil lamang nang magising ang kanyang ina.

Nagbanta pa umano ang manyakis na parak na “Wag ka maingay, kapag nalaman ng mommy mo bubugbugin ko siya.”

Ayon pa sa biktima, na sumailalim na sa social debrieifng, hindi ito ang unang pang-aabuso sa kanya ni Panao. Merly Iral