Parak inaresto ng mga kabaro sa ‘sextortion’

Parak inaresto ng mga kabaro sa ‘sextortion’

November 12, 2022 @ 11:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaresto ng mga awtoridad sa Bulacan ang pulis na umano’y kinuhanan ng sex video ang kasintahan nang hindi nito alam, at ginamit ang nasabing video upang i-blackmail siya.

Inihayag ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na humingi ng tulong sa kanila ang biktima laban kay Patrolman Julius Ramos dahil sa umano’y “sextortion”.

“Ginagamit niya pong pananakot para sa kaniyang mga sexual favors sa complainant. Naging balisa na ang complainant kaya dumulog siya dito sa ating himpilan,” sabi ni PNP-IMEG Spokesperson P/Insp. Mary Jean Cuevas.

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon si Ramos ukol sa mga alegasyon.

Samantala, mahaharap si Ramos sa kasong grave coercion at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Anti-Cybercrime Prevention Act, at sa Anti-Photo and Voyeurism Act.

“Bukod po sa criminal na charges na sinampa natin, nagsampa din tayo ng administratibong kaso kung saan maaaring ang punishment po ay dismissal from service,” sabi ni Cuevas. RNT/SA