Parak kulong sa indiscriminate firing

Parak kulong sa indiscriminate firing

December 29, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


ROSARIO, Batangas- Dinakip ng kanyang mga kabaro ang isang pulis matapos walang habas na nagpapaputok ng kanyang baril noong Lunes sa bayang ito.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo ang suspek na kinilalang si S/Sgt. Si Ronald Pamis, 36, na nakatalaga sa Philippine National Police Health Service sa Camp Crame at taga Barangay Bulihan, Rosario.

Batay sa report ng Rosario-PNP, dakong alas-8:30PM nakatanggap sila ng tawag mula concerned citizen na nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar naabutan nila ang suspek na hawak nito ang kanyang service firearm at nagpapaputok.

Una rito, nagbabala na si Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin sa mga pulis na mananagot kapag nagpaputok sila ng kanilang baril./Mary Anne Sapico