Parak na may COVID, 39 na lang

Parak na may COVID, 39 na lang

February 23, 2022 @ 4:13 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP), Miyerkules na bumaba pa sa 39 ang bilang ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga tauhan nito.

Mas mababa ito kaysa sa 50 aktibong kaso noong Martes, ayon sa pinakabagong COVID-19 tracker ng pulisya.

Nag-ulat din ang PNP ng 21 bagong recoveries, kaya tumaas ang bilang ng mga na-recover na tauhan sa 48,630.

Sa kabilang banda, sampung bagong kaso naman ang naiulat, na nagpapataas sa bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 48,797 mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Ang bilang ng mga nasawi ay nasa 128 pa rin.

Samantala, nasa 97.86 percent naman ang bilang ng fully vaccinated PNP personnel, o katumbas ng 220,076 sa 224,878 personnel ng serbisyo.

Ang mga naghihintay ng pangalawang dosis ay nasa 1.82 porsyento o 4,091, habang ang mga hindi pa nabakunahan ay nasa 0.32 porsyento o 711.

Nasa 52.91 percent o 116,436 ang bilang ng mga PNP personnel na nakakuha ng booster shots. RNT