Parak na nakatalaga sa Drug Enforcement Group, timbog sa buy-bust!

Parak na nakatalaga sa Drug Enforcement Group, timbog sa buy-bust!

January 17, 2023 @ 10:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang aktibong pulis na nakatalaga pa mismo sa Drug Enforcement Group sa ikinasang buy bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kagabi .

Kinilala ang suspek na si PSSG Ed Dyson Banaag, 36 anyos, nakatalaga sa PDEG at residente ng Brgy. Isidro, Pasay City .

Alas 9:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ang pag-aresto sa bahagi ng Rizal Avenue corner Lope De Vega Street, na sakop ng Barangay 312 Zone 31 District 3.

Pero bag o maaresto ang suspek, nakipaghabulan pa ito sa mga awtoridad nang matunugan na pulis ang kanyang katransaksyon hanggang sumemplang ang minamanehong motorsiklo.

Ayon kay Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, dating nakadestino ang suspek sa criminal investigation and detection group (CIDG) bago malipat sa PNP Drug Enforcement Group.

Nakuhahan ang suspek ng 25 gramo ng shabu na may street value na P150,000.

Nasa kustodiya na ng RDEU-NCRPO ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden