Parak na nanakit sa 2 obrero, sinampahan ng kaso

Parak na nanakit sa 2 obrero, sinampahan ng kaso

July 23, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


STA PRAXEDES- Pormal nang sinampahan ng kaso ang pulis na inireklamong nanakit umano ng dalawang construction worker sa Barangay Centro 2, Sta Praxedes, Cagayan.

Sinampahan ng 2 counts ng Slander by Deed laban kay PCpl Eufrecino Javier Jr. sa Provincial Prosecutors Office Sanchez Mira, Cagayan na naitala sa NPS Nos. II-2SM-INQ-22G-00038 at 00039, subalit pansamantalang pinalaya matapos itong makapaglagak ng piyansang aabot sa P36,000.

Ayon kay PCOL Renell R. Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO na hindi umano nila kailanman kukunsintihin ang maling gawain ng kahit ng sinumang miyembro ng kapulisan.

Tiniyak ni PCol. Sabldica, hindi magpapabaya ang Cagayano Cops sa sinumpaan nitong tungkuling maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.

Matatandaan na ika-20, ng Hulyo 2022 dakong alas-5:30 ng hapon nang sampalin umano ng suspek ang mga biktimang sina Fidel Oroceo at Johnie Balanay matapos umanong mapikon ang una nang tanggihan umano siya ng isa sa mga biktima sa kanyang alok na sigarilyo.

Maliban sa kasong kriminal, mahaharap din si Javier sa kasong administratibo.

Pansamantala nasa CPPO si Javier sa bago nitong assignment habang dinidinig ang kanyang kaso laban sa kanya. Rey Velasco