Parak na nasa PDEA drug watchlist, nabitag!

Parak na nasa PDEA drug watchlist, nabitag!

August 9, 2022 @ 9:37 AM 2 months ago


CAMARINES SUR- Arestado ang isang pulis na nasa listahan ng high-value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad nitong Linggo sa bayan ng Ocampo.

Kinilala ni PDEA Regional Office V Regional Director Gil Pabilonia ang nadakip na suspek na si Police Master Sgt. (PCMS) Romeo Penolio Jr, 43, ng Barangay Pinit, ng naturang bayan.

Dakong 7:30 PM naaresto ang suspek sa nasabing lugar ng pinagsamang pwersa ng PDEA Camarines Sur Provincial Office at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa pulisya, inilatag ang operasyon laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ni Penolio.

Nakuha sa suspek ang ilang pirasong plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng shabu, buy-bust money, 2 cellphone, motorsiklo, 9mm Glock-17 pistol at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o kilala sa “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200’’ si Penolio./Mary Anne Sapico