Parak na timbog sa P6.7B droga dating pinakamahusay sa PDEG

Parak na timbog sa P6.7B droga dating pinakamahusay sa PDEG

October 11, 2022 @ 12:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dating kinilalang bilang pinakamahusay na pulis sa PNP Drug Enforcement Group ang parak na naaresto sa isang operasyon na humantong sa pagkakakumpiska ng halos isang tonelada ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon noong Sabado.

Kinilala ang pulis na naaresto na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na nakuhanan ng tinaguriang pinakamalaking drug bust sa bansa.

Ani Police Brigadier General Narcisco Domingo, direktor ng PNP-DEG, wala umanong derogatory record si Mayo bago maaresto sa dalawang kilo ng shabu na sinasabing nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon pumayag si Mayo na ilahad ang lahat ng kanyang nalalaman, dagdag pa ni Domingo.

Sinabi ng tagapagsalita ng PNP-DEG na ang mga nakumpiskang malaking halaga ng hinihinalang shabu na narekober sa stockroom ng isang lending company ay maaaring ipinuslit mula sa China. RNT