Parak na tulak, todas sa buy-bust

Parak na tulak, todas sa buy-bust

October 9, 2018 @ 10:31 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Todas ang isang aktibong pulis na umano’y tulak ng shabu makaraang manlaban sa mga kabarong nagsagawa ng buy-bust operation  laban sa Caloocan City, kagabi.

Dead on Arrival sa Caloocan City Medical Center si PO3 Ernesto Estrellas Jr., nakatalaga sa District Special Operation Unit ng Northern Police District.

Base sa ulat, alas-8 ng gabi ng isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng CITF (Counter Intelligence Task Force) ng PNP at DID ng NPD kung saan isang hindi kinilalang pulis ang nagpanggap na buyer.

Nabatid na nagkasundo ang nasawi at ang poseur buyer na magkita sa hindi nabatid na lugar matapos ang duty ng una.

Nang magkaharap, nakahalata si Estrellas na pulis ang kaniyang ka transaksiyon kung kaya’t agad itong tumakas lulan ng kaniyang motorsiklo.

Sa kasagsagan ng habulan ay nagawang paputukan ni Estrellas ang mga humahabol na gumanti na rin ng putok.

Pagsapit sa kahabaan ng Dagat-dagatan Ave. Barangay 14 ay dito na tinamaan ang nasawi kung saan agad din naman itong isinugod ng mga awtoridad sa nasabing pagamutan.

Narekober mula sa suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu, 9mm na baril at mga bala./Rene Manahan