Parak nagpatiwakal sa Crame

Parak nagpatiwakal sa Crame

February 4, 2022 @ 10:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng kapulisan ang pagpapatiwakal ng isang 29-anyos na policewoman sa loob mismo ng ladies comfort room sa Maritime Group Headquarters, Camp Crame, sa Quezon City, Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang kanilang kabarong nasawi na si Patrolwoman Ruth Mondaya Cañete, 29, may asawa at tubong Davao City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) napansin na lang umano ng kasamahan ni Cañete na sina  Cpl. Arnold Alos at Cpl. Janice Morales na lagpas kalahating oras nang naka-lock ang nasabing palikuran.

Dahil dito, sinilip nila ang exhaust ng CR at dito na tumambad ang nakabitin na katawan ng biktima sa metal shower gamit ang tali.

Puwersahan na nilang binuksan ang pinto ng CR at itinakbo ang biktima sa PNP General Hospital pero dead on arrival na ito nang ideklara ng duktor. RNT