Parak patay sa loob ng hotel

Parak patay sa loob ng hotel

December 31, 2021 @ 9:40 AM 8 months ago


Iloilo City- Nakadapa sa kama at may tama ng bala ng baril sa dibdib ang isang pulis ng matagpuan sa loob ng motel nang mag-check-in kasama ang pamilya, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si PSSgt. Erwin Daniel, 38-anyos, taga-Capiz, miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) sa Iloilo-PNP, at naninirahan sa La Paz, Iloilo City.

Batay sa report ng pulisya, bandang 8:30 AM natagpuang duguan ang biktima sa Room 407 sa isang hotel sa City Proper ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, bandang 5:30 AM ng Huwebes nag-check-in ang biktima kasama ang kanyang misis na isang nurse at dalawa niyang anak na babae at lalaki na may edad 5 at 4.

Ayon sa mga staff ng hotel, tumawag pa sa kanila ang biktima at nag-order ng kanilang inumin kasama ang chocolate milk sa kanyang mga anak.

Makalipas ang limang minuto, nakita na lamang ang biktima na nakadapa sa kama at may tama ng bala ng baril sa dibdib.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nabatid na bago ilipat sa Iloilo ang biktima ay galing ito sa Maynila natalaga sa SWAT team.

Sa ngayon hindi pa nagbibigay ng pahayag ang asawa ng biktima sa pangyayari.

Inaalam na ngayon ng pulisya kung aksidente ang nangyari o kung may naganap na foul play. Mary Anne Sapico