Parak sa Pangasinan nangotong ng motoristang walang COVID vax card

Parak sa Pangasinan nangotong ng motoristang walang COVID vax card

December 8, 2021 @ 5:28 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang pulis sa Pangasinan na nakadestino sa Bayambang Municipal Police Station sa kasong pangingikil sa motoristang bigong magpakita ng vaccination card.

Ayon kay Police Brig. Gen. Oliver Enmodias, direktor ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), kinilala ang suspek na si Police Corporal Daniel Penuliar.

“The modus operandi of the arrested suspect is to ask for Vaccination Card of the motorists and if they cannot present they must first pay P500,” dagdag ni Enmodias.

Samantala, nakuha rin sa suspek ang PNP identification card, service firearm, handheld radio at P500 na ibinigay ng police poseur motorist.

Kasalukuyang nasa kustodiya si Penuliar ng IMEG Luzon Field Unit, Headquarters sa Clark Airbase, Angeles City, Pampanga para sa pagsasampa ng reklamo. RNT/FGDC