Parak sa Vizcaya itinumba!

Parak sa Vizcaya itinumba!

August 14, 2022 @ 10:03 AM 2 months ago


NUEVA VIZCAYA-Hindi na umabot ng buhay sa isang pagamutan ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Ranser Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, kinilala ang biktima na si PSMS Aldwin Aspacio James, 43 taong gulang, miyembro ng PNP Aritao at residente ng Govt. Center Subd. Baguio City.

Walang habas na pinagbabaril ng riding in tandem ng mga suspek ang biktima sa kanyang boarding.

Ang mga suspek ay lulan ng kulay gray na Yamaha NMAX na walang plate number at agad tumakas patungo sa direksyon ng bypass road.

Nagtamo ang pulis ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kanyang kabaro upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril sa biktima. Rey Velasco