Parak tigbak sa sariling baril

Parak tigbak sa sariling baril

August 20, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


NORTHERN SAMAR- Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang pulis matapos umanong aksidenteng pumutok ang service firearm nito habang nililinis noong Biyernes sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si Police Corporal Mar Dino Estellero, 35-taong gulang, kasapi ng Northern Samar Police Provincial Office at residente ng Brgy. Balite, San Jose, Northern Samar.

Batay sa report ng pulisya, nililinis umano ng biktima ang 9mm service firearm ng aksidenteng nakalabit nito ang gatilyo at pagputok ay tumama sa kanyang ulo.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa nasabing lugar at dinala ang biktima sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga. Mary Anne Sapico