Parak, tigok; 5 sugatan sa NPA ambush sa N. Samar

Parak, tigok; 5 sugatan sa NPA ambush sa N. Samar

April 4, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines-  Iniatas ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, direktor ng Eastern Visayas regional police, nitong Lunes, ang all-out pursuit operation laban sa grupo ng mga komunistang rebelde na nasa likod ng ambush ng mga pulis at militar kung saan isang pulis ang nasawi sa bayan ng Las Navas sa Northern Samar.

“I have already directed the conduct of checkpoints in alba adjacent areas and a check on all nearby hospitals and escape routes as part of the pursuit operations,” ani Banac.

Batay sa ulat, patungo ang mga pulis at mga sundalo sa police station upang magpaturok ng booster shots laban sa COVID-19 nang pasabugan ng hinihinalang New People’s Army (NPA) ang kanilang sasakyan sa Barangay San Miguel sa Las Navas bandang alas-1 ng madaling araw nitong Lunes.

Ikinasawi ito ni Patrolman Harvie Lovino ng 1st Provincial Mobile Force Company.

Sinundan ito ng barilan kaya’t agad na tumakas ang mga rebelde.

Sugatan naman sa naturang ambush sina Patrolman Rico Borja, Patrolman Leandro Luciano Bulosan, Army Corporal Arvin Papong, Private First Class Whilydell Jic Rodona at Private First Class Wilmer del Monte.

Agad silang dinala sa ospital sa Catarman.

“We condemn this attack and we will surely file cases against those responsible,” giit ni Banac. RNT/SA