Parak tigok sa suwag ng Montero

Parak tigok sa suwag ng Montero

December 18, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang pulis matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa national highway sa Brgy. Cabalanggan, Bantay ng lalawigang ito kaninang 1:25 ng madaling araw.

Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang driver ng Yamaha NMAX na si Pat. Shandrex Lopez y Marinduque, 27, walang asawa, PNP member, residente ng Purok 4 Quirino, Naguilian, Isabela, kasalukuyang nakadestino sa PIT Ilocos Sur RIU1.

Nakilala naman ang driver ng Mitsubishi Montero na si Bryan Camit y Calumpit, 35, walang asawa, residente ng Brgy. 7 Alejo, Malasig, Vintar, Ilocos Norte.

Base sa CCTV footage na nakuha mula sa command center ng Bantay, Ilocos Sur, ang motorsiklo ay papuntang silangang direksyon samantalang ang Montero naman ay papuntang kanlurang direksyon.

Pagdating sa lugar, nag-execute umano ng left turn ang Montero para pumasok sa Marsha’s Delicasies na nasa southern part ng highway na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Ang driver ng Yamaha NMAX na nagtamo ng head injury ay agad na dinala sa Metro Vigan Hospital ng mga rumespondeng PNP personnel pero idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan ang driver at ang mga pasahero na nakasakay sa Mitsubishi Montero. Rolando S. Gamoso