Parak todas sa tandem

Parak todas sa tandem

October 9, 2018 @ 1:19 PM 4 years ago


 

Caloocan City – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin lulan ng motorsiko kaninang umaga sa Caloocan City.

Wala ng buhay ng idating sa pagamutan ang biktimang si PO1 Marvin Apricano Herman na nakatalaga sa Malabon PNP at dati ring miyembro ng Caloocan PNP.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, alas 9:00 ng umaga galing umano ang biktima sa isang hearing at habang tinatahak ang kahabaan ng D. Aquino St. 10th Ave. Grace Park lulan ng kanyang motorsiklo, dalawang hindi nakilalang salarin na magkaangkas na lulan din ng isang motorsiklo at kapwa nakabonnet ang sumabay sa biktima at agad na pinagbabaril ito.

Hindi na nagawang makapanlaban ng nasawi na agad na natumba sa sinasakyang motorsiklo at padapang nasubsob sa kalsada.

Batay sa nakalap na impormasyon, ang pinaslang ay dati ring kasamahan ni PO3 Ernesto Estrella na napatay naman kagabi ng mga tauhan ng CITF sa isinagawang buy-bust operation. Rene Manahan