Parak utas sa sariling kargada

Parak utas sa sariling kargada

April 22, 2022 @ 10:10 AM 2 months ago


DAANTABANTAYAN- Patay ang isang pulis matapos aksidenteng maputukan ng kanyang baril makaraan rumesponde sa emergency alarm sa sementeryo nitong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Pat. Ariel Arrabis, 33, kasapi ng Daanbantayan Police Station.

Batay sa report, umaga ng Lunes nakatanggap ng emergency alarm ang nasabing presinto hinggil sa armadong lalaki sa may sementeryo sa Barangay Bitoon, ng naturang bayan.

Rumesponde si Arrabis kasama si Cpl. Benjamin Villanca at pagdating sa lugar nakita nila ang armadong suspek ng biglang bumagsak ang 9mm caliber pistol ni Arrabis saka pumutok at tumama ito sa kanyang dibdib.

Agad naman dinala sa ospital si Arrabis subalit nalagutan rin ito ng hininga./Mary Anne Sapico