Parañaque LGU naglabas ng traffic advisory

Parañaque LGU naglabas ng traffic advisory

February 20, 2023 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naglabas ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng Parañaque kaugnay sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Cavitex sa harap ng Barangay San Isidro Hall.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez na simula ngayong Pebrero 20, ang U-turn slot sa lugar ay pansamantalang isasara.

Pinayuhan ni Olivarez ang mga motorista na gamitin ang Palanyag U-turn slot patungo sa SM Sucat at C5 Road.

Ayon pa kay Olivarez, ang ruta ng dinadaanan ng mga sasakyan ay ida-divert dahil sa pansamantalang pagsasagawa ng kalsada.

Dagdag pa ni Olivarez na ang Traffic and Parking Management Office (TPMO) ay mag-iisyu na rin ng advisory dahil sa mararanasang mabigat na daloy ng trapiko sanhi ng pagsasagawa ng aktibidad sa lugar.

Magtatalaga rin ng karagdagang TPMO personnel upang tumulong at mailagay sa ayos ang daloy ng trapiko dahil sa gagawing kalsada. James I. Catapusan