Parañaque LGU pinuri ng COA

Parañaque LGU pinuri ng COA

June 22, 2022 @ 11:54 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng Commission on Audit (COA) ang lokal na pamahalaan ng Parañaque dahil sa patas, malinis at walang itinatagong financial statement report na isinumite ng lungsod.

 

Pinasalamatan naman ng lokal na pamahalaan si National Capital Region (NCR) COA Director IV Atty. Maria Carmina Paulita Jaguilon-Pagayawan dahil sa pagdedeklara sa lungsod na isa sa mga local government units (LGUs) an may fair at transparent financial statement report.

 

Base sa liham na natanggap ng lungsod kay Pagawayan na may petsang Hunyo 16 ay nakasaad na ang “auditor rendered an unmodified opinion on the fairness of the presentation of the city’s financial statements in view of the significance of the exceptions in the audit as stated in the Independent Auditor’s Report.”

 

Paliwanag pa ng lokal na pamahalaan na ang pagpuri ng COA sa lungsod ay bunsod ng audit observations at recommended courses of action sa mga may kinalamang opisyal ng management at staff noong Mayo 17.

 

Kinilala naman ng COA ang suporta at kooperasyon na ipinamalas ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa audit team sa maaagap na pagsusumite ng kanilang mga report. James I. Catapusan