Parañaque, Manila, nagsuspinde ng pasok sa opisina, July 18, 2018

Parañaque, Manila, nagsuspinde ng pasok sa opisina, July 18, 2018

July 18, 2018 @ 11:51 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kasunod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, nagsuspinde na rin ng pasok sa opisina sa lokal na gobyerno ng Parañaque City at Manila ngayong Miyerkules, July 18, ayon sa mga alkalde ng naturang lugar.

Nag-anunsyo si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ng suspensiyon alas-8 ng umaga kanina.

Gayunpaman, ang mga departamento at opisina naman na nagsasagawa ng basic delivery services, emergency preparedness and response at iba pang trabaho na may vital functioons ay patuloy na mag-o-operate upang panatilihin ang kaligtasan ng publiko.

Si Manila City Mayor Joseph Estrada ay nagsuspinde na rin ng pasok sa Manila City Hall simula alas-12 ng tanghali, maliban sa mga departamento at opisinang kinabibilangan ng quick response team ng lokal na gobyerno.

Kabilang sa mga ito ay ang Manila Department of Social Welfare, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Department of Public Safety, Manila Health Department, City Engineering Office, at Manila Traffic and Parking Bureau.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ng PAGASA na ang southwest monsoon o habagat ay patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan sa buong Metro Manila ngayong Miyerkules. (Remate News Team)