Parañaque may bagong sistema sa pagkuha ng building permit

Parañaque may bagong sistema sa pagkuha ng building permit

February 1, 2022 @ 2:07 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inianunsyo ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na bumuo ang Office of Building Official (OBO) ng isang bagong sistema para mapadali ang pagpoproseso sa aplikasyon ng building permit sa lungsod.

Ayon sa OBO, ang bagong sistema sa aplikasyon ng building permit sa lungsod ay ang mag-aakit ng mas marami pang investors na magtatayo ng negosyo na makapagbibigay din ng pagkakataon sa mga residente na magkaroon ng trabaho.

Sa kabila ng pagkaantala sa pag-iisyu ng building permit sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng coronavirus disease o COVID-19 ay nakapagrelis pa rin ang OBO ng kabuuang 7,500 permits nitong 2019.

Sinabi ni OBO officer-in-charge (OIC) Engr. Diamela Apolinario na iprineprepara na ang kanilang online transaction at ang pagbubuo ng bagong one-stop-shop na makatutulong sa pagpapadali ng aplikasyon sa building permits para sa mga industriya na magnanais na magtayo ng negosyo sa lungsod.

Sa pagbuo ng online transaction ay sinabi din ni Apolinario na Malaki din ang maitutulong nito sa mga building officials para sa pag-evaluate, pagproseso at pagsasagawa ng monitoring para na rin sa mas mabilis na pagrerelis ng mga permit.

Dagdag pa ni Apolinario na makatutulong din ang bagong sistema para sa pag-aaplay ng permit sa mga aplikante sa online o bumisita sa bagong buong one-stop-shop ng lungsod. James I. Catapusan