Paratang sa ama, mariing kinondena ni Lopez

Paratang sa ama, mariing kinondena ni Lopez

March 31, 2022 @ 11:16 AM 3 months ago


MANILA, Philippines—Mariing kinondena ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa paratang nito tungkol sa kanyang ama.

Ayon kay Lopez ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama, nakakababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan.

Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta din sila na sisirain ang mga alaala ng yumaonng mga mahal sa buhay ng kanilang mga kritiko.

Imposible ang naging akusasyon ng Asenso Manilenyo laban kay Mel Lopez dahil nanungkulan ito bilang alkalde taon 1986 hanggang 1992 at matapos ito marami pang administrasyon ang naupo sa lungsod ng Maynila.

Nakakalungkot isipin na ang mga pahayag ni Asenso Manilenyo puro panlilinlang tungkol sa pagbebenta ng mga ari-arian ng lungsod ng Maynila. Ang ibang mga pangunahing lungsod, hindi kailanman nagbenta ng mga ari-arian nito upang madagdagan ang kani-kanilang badyet para sa pagtugon sa COVID-19. Ang pagbebenta ng Divisoria Public Market , isang paggamit upang magsagip ang kanilang nadudulas na paghawak sa kapangyarihan, na walang pagsasaalang-alang sa mga taong tapat na naghahanap buhay.

Isa sa mga pangunahing plataporma ni Atty. Alex Lopez ang pagtiyak na ang Manilenyo may trabaho at hanapbuhay.

Isasaalang-alang ni Lopez ang kapakanan ng bawat mamamayan upang makamit nito ang mga munting mithiin nito na makapamuhay sa kasaganahan at kapayapaan.

Isusulong ni Atty. Lopez ang karapatan ng mga maliliit na negosyante at maglalaan ng kaukulang pondo upang magkaroon ang mga ito ng puhunan at mapalago ang kani-kanilang mga negosyo. RNT