Parehong panig ng mga Aquino, Marcos sa kasaysayan, pakinggan – Padilla

Parehong panig ng mga Aquino, Marcos sa kasaysayan, pakinggan – Padilla

July 18, 2022 @ 5:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Robin Padilla sa publiko na pakinggan ang historical narrative ng pamilya Marcos at Aquino at hindi lamang ang popular na account na bahagi ngayon ng kasaysayan ng Pilipinas.

Sa panayam, sinabi ni Padilla na may dalawang narratives sa kasaysayan  – isa ang isinulat ng taong nasa kapangyarihan, at isa ang tinalong partido.  Partikular ditto ang popular narrative na isinulat ng mga Aquinos at ng pamilya Marcos.

“Katulad ngayon, siyempre ngayon natin nakikita ‘yan, sa matagal na panahon narrative ng after People Power ang naririnig natin. So ngayon, maririnig naman natin ang narrative ng Marcos. So, hindi natin pwedeng sabihing tsismis ito kasi ito ‘yung narrative ng Aquino, iba sa narrative ng Marcos,” aniya.

Tinutukoy ni Padilla ang EDSA People Power na nagpatalsik sa 20 taong diktadurya ni dating Pangulong Marcos, ama ng kasalukuyang pangulo kaya nagtungo ang kanilang pamilya sa US at doon nilitis sa ilang kaso.

Nag-ugat ang pag-aaklas ng taumbayan laban sa diktadurya ng yumaong Marcos ang pagpaslang kay dating Senador Benigno Aquino Jr., sa tarmac ng dating Manila International Airport, ang malawakang dayaan sa 1986 snap elections at iba pang matitinding pangyayari kaya nagtungo ang taumbayan sa kalye upang patalsikin ang diktadurya na pinangunahan ni dating Pangulong Ramos at dating Senate President Juan Pone Enrile.

Dahil napatalsik ang diktador, nailuklok ang kabiyak ni Ninoy, si Coraznon bilang pangulo ng bansa samantala, naihalal naman ang anak nitong si   Benigno “Noynoy” Aquino III.

Pero, sinabi ni Padilla, dating actor na naunang nangutya sa Senado noon, na hindi makukumpleto ang kasaysayan kung wala ang kuwento ng pamilya Marcos na dapat mapakinggan din.

Aniya, kapag nadinig ang magkabilang kuwento, dapat payagan ang sinuman kung kanino ang paniniwalaan.

“Ang dapat, tayong mga Pilipino parehas nating pakinggan at tayo ang humusga kung sino ang palagay natin — hindi ‘yung kung sino ang tama — kung ano ‘yung totoo,” aniya.

“Kasi sasabihin ng isa siya ang tama, sasabihin ng isa, ‘ako ang tama.’ Hindi, alamin natin kung ano ang totoong naratibo, totoo sa palagay natin kasi ang totoo marami ring mukha,” dagdag niya.

Ngunit, hindi sinabi ni Padilla kung alin sa kuwento ng mga Marcos ang dapat malaman ng taumbayan. Ernie Reyes