Mahirap talagang magpakain ng gulay at ng iba pang masusustansyang pagkain sa mga bata lalo na kapag hindi talaga nila trip ‘yung lasa.
Pero dapat habang bata pa ay talagang maturuan na natin ang kanilang panlasa na tanggapin ang mga pagkain ito.
Narito ang ilang tips para hindi na mahirapan pa:
- Simulan habang bata pa
Lahat ng mga dapat matutunan ng isang tao ay dapat talagang nagsisimula habang bata pa.
Dahil gaya nga ng sinasabi ng mga matatanda, “lahat ng nakikita ng bata ay tama sa kanyang mga mata.”
Ang mga baby ay pwede nang kumain ng solid food kapat sila ay 6 months old na kaya naman, pwede nang simulan paunti-unti ang pagpapatikim sa kanila ng mga gulay.
- Simulan mo rin
Sa’yo rin dapat nagsisimula ang mga bagay na dapat matutunan ng mga bata. Kasi paano nila gagawin kung nakikita nilang hindi mo rin naman ginagawa.
- Effort pa more
Mahabang pasensya talaga ang kailangan at siyempre creativity para magpakain ng bata. Kung kinakailangan idaan mo sa kwento o sa mga presentation, go for the gold!
- Isama sila sa pag-prepare ng food
Magandang gawin ‘to dahil ayon samga eksperto, ang mga bata ay mahilig sa mga eksperimento.
Sa ganitong paraan kasi ne-eexcite sila at naku-curious kung anong lasa nito.
- Kumuha ng backup
Hindi lahat ng gulay ay gugustuhin talaga ng mga bata pero kailangan natin ng iba pang pagkain na may kaparehong nutrisyon para maging balance ang diet ni bagets.