Parental consent ‘di pwedeng mapalitan; ‘absolute’ sa pediatric vaccination – Duque

Parental consent ‘di pwedeng mapalitan; ‘absolute’ sa pediatric vaccination – Duque

February 7, 2022 @ 4:23 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi mapapalitan ang parental consent sa pagbabakuna sa mga nasa edad lima hanggang 11.

Kaugnay naman ito ng  Department of Health’s Department Memorandum No. 2022-0041 na may date na Jan. 24, 2022.

 “In case the parent/guardian refuses to give consent to the vaccination despite the desire and willingness of the minor child to have himself/herself vaccinated, or there are no persons that may legally exercise parental authority over the child, the State may act as parens patrias (parent of the country) and give the necessary consent. Therefore, the proper officer representing the State as parens patrias may sign the consent form. In this regard, the DSWD or its city/municipal counterparts shall serve as the proper office who shall represent the State,” saad sa memorandum

“Nagkaroon lang ng di pagkakaintindihan. Inatasan ko na ang DOH last week na tanggalin yan rider provision na yan,” paglilinaw ni Duque.

Maaalalang dalawang magulang ang naghain ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) sa naturang memorandum ng DOH.

Punto pa ni Duqe, mapapalitan lamang ang parental consent sa ilalim ng ‘extraordinary circumstances’ tulad ng kung wala ang magulang o designated authorized guardian.

“Only then can the state represent the interest of the child.”

Samantala, may paalala naman si Duque sa mga magulang na nangangamba sa bakuna.

“Huwag po tayo mag-alala lahat po ng bakuna natin talaga pong may taglay na proteksyon. Sila po ay ligtas, sila po ay de-kalidad, epektibo, at uulitin ko po ito po ay libre wala po dapat naniningil kapag may nagpapabakuna.” RNT/FGDC