Pari, 12 taong kulong sa 110 kaso ng kahalayan sa paslit

Pari, 12 taong kulong sa 110 kaso ng kahalayan sa paslit

February 26, 2022 @ 4:15 PM 4 months ago


BERLIN, Germany – Isang German Catholic priest ang sinentensiyahan ng 12 taong pagkakulong dahil sa child sexual abuse, sinabi ng korte sa Germany nitong Biyernes, ang pinakahuli sa serye ng mga kaso na yumanig sa German Catholic Church.

Hinatulan ng Colongne court ang isang pari na kinilalang si Hans Ue., na nagkasala at ipinanagot sa 110 kaso sa pagitan ng 1993 hanggang 2018, kabilang ang 23 kaso ng serious sexual abuse sa mga bata.

Inutusan ng korte ang nasasakdal na magbayad ng kabayaran sa tatlo sa siyam na biktima para sa kanilang sakit at pagdurusa.

Sinabi german newspaper Sueddeutsche Zeiting na ang pinakabatang biktima ay nasa siyam na taong gulang sa oras ng krimen, at idinagdag na tatlong biktima ay pawang pamangkin ng 70 taong gulang na pari.

Ang demanda ay ang pinakabagong kaso sa isang matagal nang iskandalo na yumanig sa pinakamayamang pambansang sangay ng Simbahang Katoliko.

Malugod na tinanggap ng Roman Catholic Archbishop ng Cologne ang hatol at sinabing ipinadala nito ang mga natuklasan mula sa kaso at ang sentensiya noong Biyernes sa Roman Congregation for the Doctrine of the Faith, ang doctrinal office ng Vatican.

“We must do everything we can to ensure that such crimes, as they have happened here for decades, can no longer happen,” sabi ni Markus Hofmann, ang Delegado ng Apostolic Administrator. RNT