Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

October 23, 2022 @ 5:07 PM 2 months ago


SOLANA, Cagayan- Arestado ang isang pari matapos madakip sa isinagawang rescue operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 2, iniulat nitong Sabado sa nasabing bayan.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rev. Fr. Karole Reward Israel, Asst. Parish Priest, at residente sa Brgy. Tucalana, Lal Lo.

Ayon sa NBI Region 2, nagtungo sa kanilang tanggapan ang mga magulang 16-anyos na dalagita para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Batay sa reklamo ng biktima, naging malapit siya suspek taon 2019 na noo’y aktibo pa siya sa youth minister sa simbahan.

Hanggang sa nagsimula ang pangmomolestiya ang suspek noong Pebrero 8, 2022 sa bayan ng Appari hanggang sa tuluyan siyang ginahasa Pebrero 22, at nagpaulit-ulit na ito hanggang ngayon buwan ng Oktubre.

Hindi nagkaroon ng lakas ng loob ang biktima na magsumbong sa mga magulang dahil sa pananakot ng suspek at ipapakalat ang kanyang mga hubad na larawan at mga sex videos.

Nabuko na lamang ang panggagahasa ng suspek ng mapansin ng guro ng biktima na palagi itong tulala at duon na naglakas ng loob ang dalagita na magsumbong sa ginagawang kababuyan ng suspek.

Nadakip ang suspek gabi ng Martes matapos itong makipagkita sa biktima para muling gahasain.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act, RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act, RA 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act at RA 7610 o Child Abuse si Israel na pansamantalang nakalaya matapos makapag lagay ng piyansa. Mary Anne Sapico