Pari na may kasong rape inambus, patay 

Pari na may kasong rape inambus, patay 

January 25, 2021 @ 5:39 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

BUKIDNON- Tadtad ng tama ng bala ng baril ang isang pari matapos tambangan ng mga hindi pa kilalang suspek kagabi sa probinsyang ito.

 

Kinilala ang biktimang si Fr. Rene Regalado, 42, ng Valencia City.

 

Ayon kay Malaybalay City Police Station commander, Lt Col Jerry Tambis , dakong 7:30 kagabi nang maganap ang krimen sa Pal-ing, Patpat, Malaybalay City.

 

Lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang kanyang SUV patungong Camelite Monastery nang harangin siya ng mga armadong lalaki at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa mamatay noon din.

 

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

 

Nabatid na may kinakaharap na kasong rape si Regalado habang Kura Paroko pa siya sa bayan ng Lala, Lanao del Norte.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •