Paring ‘nang-abuso’ sa menor ‘di kukonsintihin ng Simbahang Katolika

Paring ‘nang-abuso’ sa menor ‘di kukonsintihin ng Simbahang Katolika

October 25, 2022 @ 12:04 PM 1 month ago


CAGAYAN Valley – Sinabi ng Archdiocese ng Tuguegarao na nakikipag-ugnayan ito sa mga awtoridad sa pag-iimbestiga sa kaso ng isang pari na inaakusahan ng sex abuse sa probinsya ng Cagayan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Archdiocese na si Fr. Karole Reward Israel ay hindi pinapayagan ngayon na magsagawa ng aktibidad sa Simbahan.

“Fr. Karole Reward Israel of a parish in Solana town was ‘excused’ from his priestly duties as the probe is ongoing. The archdiocese will fully cooperate with the prosecution service towards the conduct of an unbiased preliminary investigation and will also extend its assistance to our priest,” dagdag pa.

Inaresto ng NBI ang pari noong Oct.18, dahil sa umanoy pang-aabuso sa 16 taong gulang na batang babae.

Kasong  sexual harassment, qualified seduction, violence against women and children, paglabag sa  anti-photo at video voyeurism law, at child abuse ang isinampa laban kay  Israel sa Tuguegarao City Prosecutor’s Office.

Tiniyak naman ng archdiocese na magbibigay ito ng tulong sa biktima kung mapapatunayan ang akusasyon laban sa pari.

Hiniling din ng panalangin ang Archdiocese para sa miyembro ng kaparian.

“Meanwhile, we earnestly ask for prayers for all our priests who bear all the frailties that afflict us all,” hiling ng archdiocese. Jocelyn Tabangcura-Domenden