Parinigan nina Vice at Bayani, lumalala!

Parinigan nina Vice at Bayani, lumalala!

July 28, 2022 @ 9:31 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sinasabi na nga ba!

Ito ang awtomatikong reaksyon ng mga netizen na nakatutok sa nagbabantang word war sa pagitan nina Vice Ganda at Bayani Agbayani.

Inaasahan na raw ng publiko na mas titindi pa ang hidwaan ng dalawang host mula sa magkaibang programa.

Nagsimula ‘yon nang sabihin ni Bayani na mabuti’t hindi nag-overtime.

Ang tinutukoy niya ay ang It’s Showtime na umere pagkatapos ng Tropang LOL.

Kagyat namang nag-react si Vice Ganda, na kesyo meron daw nakikisali.

Hindi doon natapos ang parinigan dahil ang latest, idinaan ni Bayani sa dasal ang pasaring kay Vice Ganda.

Pinauso ng programang LOL na bago magsimula’y nagdarasal muna on air ang mga hosts na bumubuo nito.

Bahagi ng dasal ni Bayani ay ang hiling sa Diyos na pairalin nila ang humility o kababaan ng loob.

Huwag daw silang gawing hambog o mayabang.

Bagama’t walang sinumang tinutukoy si Bayani, sure ang mga netizen na para kay Vice Ganda ‘yon.

Inaantabayanan ang resbak ni Vice Ganda na mahilig ding magparinig on air. Ronnie Carrasco III