Parish priest sa Taytay, Rizal nagpakamatay sa simbahan

Parish priest sa Taytay, Rizal nagpakamatay sa simbahan

September 10, 2020 @ 4:12 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala ang Parish Priest ng St. John The Baptist Parish Church sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Fr. Nomer Lozano De Lumen.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nangyari ang insidente 3:45 kahapon ng hapon, September 9, 2020.

Isang tawag ang natanggap ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station na may nakitang bangkay sa simbahan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng PNP ay nadiskubreng ang tinutukoy ay si Fr. De Lumen na nakitang nakahandusay sa kaniyang kuwarto at may tama ng bala sa kanyang baba.

Sa imbestigasyon, nabanggit ng isa sa mga kasama ng pari na may pinagdadaanan itong problema sa pamilya.

Nakuha sa crime scene ang isang baril na may isang basyo at may dalawa pang bala.

Hinihinala na nagbaril sa sarili si Fr. Lumen ngunit patuloy ang imbestigasyon kung may foul play sa insidente. Maritess Pumaras


  •  
  •  
  •  

Loading...