Parlade kay Robredo sa NTF-ELCAC: Take it or leave it

Parlade kay Robredo sa NTF-ELCAC: Take it or leave it

December 14, 2021 @ 3:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni spokesperson Antonio Parlade nitong Martes na maaaring magpakita ng buong suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Bise Presidente Leni Robredo o tutulan ito.

Ito ang naging pahayag ni Parladematapos sabihin ni Robredo na sinusuporthan niya ang mandato ng NTF-ELCAC mandate subalit noon pa man ay tutol na umano ito sa mga opisyal ng anti-insurgency task force na sangkot sa red-tagging ng mga indibidwal.

Hindi naman pinangalanan ng Bise Presidente ang naturang NTF-ELCAC officials.

“It is unclear what Vice Robredo is against because she keeps on flip-flopping on this issue. She is a presidential frontrunner and she can’t seem to make up her mind. Madam Vice President, it is either you are for NTF-ELCAC and its programs or you are not. You have to take it lock, stock, and barrel,” pahayag ni Parlade, na tumatakbo sa pagka-presidente sa ialalim ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino.

“She takes varying positions depending on her audience and has been alluding on NTF-ELCAC officials who are alleged to have red-tagged critics subjectively. Is this what we want from our future president? Subjective identification of communists you mention? According to who? Rappler? Inquirer?” dagdag ni Parlade.

Nauna nang sabihin ni Robredo na pabor siya sa abolisyon ng NTF-ELCAC sanhi ng duplikasyon ng mandato subalit malaon ay  nilinaw niya na laban siya sa red-tagging subalit sinusuportahan umano niya ang whole of nation approach sa paglaban sa mga terorista na mandato ng anti-insurgency task force. RNT/SA