Parokya, maglalabas ng album sa Nobyembre!

Parokya, maglalabas ng album sa Nobyembre!

September 27, 2021 @ 7:20 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mga fans ng Parokya ni Edgar, manalangin kayong ‘di tamaan ng masamang hangin si Chito Miranda at ang mga kasamahan n’ya sa banda.

Dahil kung lahat sila ay magkakaganu’n, malamang na hindi matutuloy ang kaa-announce lang ni Chito, bilang frontman ng banda, na maglalabas sila ng album sa Nobyembre.

Pagtatapat ni Chito sa Instagram: “Biking around mag-isa, pa-ikot-ikot sa village, tamang muni-muni lang habang sinasoundtrip ‘yung bago naming album.

“Sobrang trip ko ‘yung mga bago naming kanta. Sobrang masaya din ako sa mga nasulat ko, at sobrang saya ko din sa mga nasulat ng mga kabanda ko.”

Nu’ng 2016 pa sila huling naglabas ng album na ang titulo ay “Pogi Years Old.”

Actually, may sinimulan silang album pagkatapos nu’n pero ‘di nila kinumpleto. ‘Di n’ya maipaliwanag kung bakit nakatamaran na nilang tapusin.

Pagtatapat n’ya: “At sa totoo, kahit nagsusulat pa rin ako (with other artists and para sa mga TVCs), wala akong paki kung matapos man ‘yung album namin o hindi.

“Tapos ngayon, bigla kaming ginanahan tapusin, at kinagagalak kong sabihin na maglalabas kami ng bagong album by November.”

Sa totoo lang talaga, marami pa ring matinding-matindi ang interes sa mga kanta ng Parokya.

Last year, Parokya ni Edgar made it to the list of top OPM artists on Spotify for 2020.

The band made its debut in 1996.

Matindi pa rin naman hanggang ngayon ang sense of humor ni Chito na kabilang sa mga pang-akit ng mga kanta nila.

Pahabol na bulalas n’ya sa Instagram post n’ya, na may facemask siya pero ‘di n’ya maipakita dahil ‘yung may design na pambabae ang nakuha n’ya. Isa pa ay para ipakita ang buhok nya na siya lang daw ang naggupit, “bakit ba!” Danny Vibas


  •  
  •  
  •