Parol na gawa ng PDLs tangkilikin-BJMP chief

Parol na gawa ng PDLs tangkilikin-BJMP chief

September 8, 2022 @ 5:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Bureau of Jail  Management and Penology (BJMP) Chief Jail Director Allan Iral ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga hand made craft na gawa ng mga Person Deprived of Liberty (PDL”s).

 Ayon sa opisyal ang pagtangkilik ng publiko sa mga gawa ng PDL’s ay upang mabigyan ng pag-asa ang mga ito na hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

Sinabi pa ni Iral  na ngayong sumapit na ang ber months, ito ang pagkakataon para sa mga preso upang gamitin at isabuhay ang mga kaalaman sa handicraft at magkaroon ng pagkakataong kumita ng maganda.

 

Danny Querubin

Hindi umano natatapos sa pagiging preso ang buhay at bagaman limitado ang kanilang kalayaan hindi ito dapat maging hadlang upang mawalan ng pagasa bagkus maging inspirasyon upang makita  sa paggamit nang kalinangan ay may maganda ring kabuhayan.

Ngayong taon, muling hinihikayat ng BJMP ang lahat na maging bahagi ng pasko ng ating mga PDL sa pamamagitan ng pagbili sa mga gawa nilang mga parol,” pahayag pa ni BJMP Chief.

Malaking bagay na umani di lamang ang mga bilanggo kundi maging ang kanilang mga pamilya kung mabibili ang kanilang mga gawang parol  mas lalo”t  may dinadanas na pandemya ang bansa.

“Purchasing and patronizing products made by our PDL will be a great help for them and their families, especially in this time of pandemic,” paliwanag pa ni Iral.

Kabilang sa mga ginagawang aktibidad pangkabuhayan ng mga preso ang paggawa ng iba’t ibang likhang kamay na parol lalo’t pasapit ang kapaskuhan.

Nabatid na ang panahong ito  ang inaantay na pagkakataon ng mga PDL  para kumita ay maibigay sa kani-kanilang pamilya.

Agosto pa lamang sinimulan na sa Negros Occidental District Jail Male Dormitory ang produksyon ng mga gawang parol.

Sa San Juan City Jail  partikular sa dormitoryo ng mga kalalakihan  na dati nang nakilala sa mga makukulay na parol na gawa sa kawayan at makukulay na plastik at pailaw ay nagsimula na rin ang maramihang gawaan.

Naghahanda na rin ang Pateros Municipal Jail sa maramihang produksyon ng kanilang mga parol  na ipapakalat upang magsilbing pailaw sa mga kalye sa palibot ng naturang munisipalidad.

Samantala ang ibang mga kulungan sa bansa kagaya ng  Cadiz City Jail, Talibon District Jail, Ormoc City Jail ( Male Dormitory) , at Digos City District Jail –dormitoryong pangkababaihan ay nag-anunsyo naman sa kanilang mga social media account  partikular sa Facebook na bukas na sila upang tumanggap ng mga orders.

Kaugnay nito, nabatid na ang presyuhan ng mga parol at batay sa sukat o laki nito mas malaking parol, mas mahal , mas mahirap gawin mas maganda ang presyuhan.

Umaasa ang pamunuan ng BJMP na sa panahong ganito ay mabigyan ng pagasa at hanapbuhay ang mga PDLs. Jan Sinocruz