Parte ng kikitain sa online concert ng SB19, ibibigay sa charity

Parte ng kikitain sa online concert ng SB19, ibibigay sa charity

November 17, 2020 @ 1:13 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ilalaan sa charity ng Pinoy boy group SB19 ang parte ng kikitain sa online concert sa Nobyembre 21.

“We are really excited to interact with our fans and perform again on stage. Sayaw na sayaw na kami at kantang kanta na kami. Gusto na namin mag-perform. Pag-iigihan po namin ang performances namin kahit online concert siya,” sabi ng P-pop Kings sa isang virtual conference nitong Lunes, Nobymebre 16.

Pinangako rin ng grupo na ibibigay ang kanilang best kahit na ito ay gaganapin lamang online.

“Ganun pa din po ang preparations namin pero this time, siguro we have to be more entertaining and more energetic… Nililinis po namin, pina-polish naming maigi ‘yung performances namin,” ayon sa grupo.

“Makakakita lang po sila ng other side ng SB19 kasi normally sa group namin, we have roles. Siguro po makakakita sila ng performances from each of the members na hindi pa nila nakikita before,” pa-excite na sinabi ng SB19.

“We are very thankful, of course. Super thankful kami sa lahat ng natatanggap namin although hindi namin siya masabi na parang deserve na deserve talaga namin. Our fans deserve it pero kami, iniisip namin na hindi lang ito ‘yung kaya naming ipakita,” saad ng grupo sa kanilang fans.

“May mas maipapakita pa kami. Gusto naming bumawi sa lahat ng fans namin na lahat ng binibigay nila sa amin na awards. Tutumbasan pa namin ng mas magagandang performances, kanta, albums. But we are thankful and overwhelmed,” dagdag ng SB19.

Mapapanuod ang live performance ng SB19 sa buong mundo maliban sa Indonesia at China.

Arat na A’Tin bili na ng ticket sa ticketnet.com.ph at global.live/events/sb19

Ayon pa sa Twitter post ng P-pop Kings, parte ng kikitain ng concert ay ibibigay sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Samantala, nananatili pa rin sa Social 50 ng Billboard ang grupo sa ikatlong pwesto. Werpa!

RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...