Partido Federal: Grupong may puso at utak ang magpapanalo kay Bongbong

Partido Federal: Grupong may puso at utak ang magpapanalo kay Bongbong

September 23, 2021 @ 8:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng isang mataas na opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas na mananalo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa susunod na presidential race nang hindi kinakailangan ng mahusay na strategists at tacticians.

Sinabi ni PFP Secretary General Tom Lantion na ang kanilang pambato sa 2022 presidential race ay isang thinker na “intellectually alert” at may malawak na kaalaman at karanasan sa buong proseso ng eleksyon sa bansa.

“Aside from being a man of decency, he’s also a man of action with few words that needs no coaching about the art of winning a political race,” ayon kay Lantion.

Ginawa ng retired police general ang pahayag bilang tugon sa mga tanong hinggil sa umano’y kawalan ng political operator para sa pagtakbo ni Bongbong sa 2022.

Binanggit ni Lantion ang mga kandidato sa pagkapangulo na ngayon pa lang ay nagbabayad na ng mga prominenteng tao bilang political handler na hahawak sa kanilang campaign strategies.

Ayon sa ulat, ang mga batikang operator na minsa’y naging chief tactician ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay nagtatrabaho para sa Lacson-Sotto tandem habang ang isa pang political handler na nangasiwa sa pagtakbo ni dating Pangulong Joseph Estrada ay nasa Domagoso-Ong tandem at batikang lady broadcaster naman ang may hawak ng media team ni Sen. Manny Pacquiao.

“Those teams of presidentiables might really need excellent minds to draw and run their propaganda and poll campaign, but not for Bongbong… who only needs dedicated men who can be trusted and who know how to apply common sense,” ayon kay Lantion. RNT