Partido Federal ng Pilipinas, aprub bilang bagong national political party

Partido Federal ng Pilipinas, aprub bilang bagong national political party

October 8, 2018 @ 3:29 PM 4 years ago


 

Quezon City – Makaraang aprubahan ng Commission on Election (COMELEC), isa nang ganap na national political party ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na kilalang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang PFP ay binubuo at kinabibilangan ng iba’t ibang organisasyon na sumusuporta kay Pangulong Duterte at magbubuo ng koalisyon sa Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kanina Oktubre 9, 2018 (Lunes) sa press conference sa Quezon City, inanunsyo ng bagong PFP President John Castriciones, at kasalukuyang DAR Secretary na may 40-50 ng kandidato ang sasabak sa congressional seat mula sa PFP, 30-40 ang kakandidatong governor sa pangunguna ni TESDA Director General Guiling Mamondiong para sa Lanao del Sur, Gov. ER Ejercito ng Laguna, Rep. Rey Umali ng Oriental Mindor, Asst. Secretary Dabiel Mercado sa Zamboanga del Sur, Gov. Pax Mangudadato sa Sultan Kudarat at Gov. Dodo Mandanas ng Batangas.

Si dating Partido Federal ng Pilipinas President Jayvee Hinlo-director ng Land Bank of the Philippines ay tatakbong senador ng PFP.

Kaugnay nito sinabi naman ni QC Vice Mayor Joy Belmonte-NCR PFP na tatakbong Mayor sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas na 12 kandidato ang nais sumama sa kanila para sa mayorial seat sa MMLA.

“Madami po ang nais sumama sa atin, madami po ang nagsa-submit ng intention, mayroon po kaming team na mag-aaral ng kanilang background, yung quality ng candidates at mag start kami ng mga bagong criteria nd principles bago natin sila ibilang para sa huli ay wala pong conflict” ani ni Belmonte.

Sa Oktubre 11 ay magkakaroon ng grand rally ang PFP sa Cuneta Astrodome sa Pasay City para sa pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.

Kahapon, dumalo din ang iba’t ibang mga personalidad mula sa ibat ibang bahagi ng bansa na kaanib ng PFP na sasabak sa darating na May 2019 elections. (Santi Celario)