Partido sa DepEd: Parental consent sa pagdalo ng studes sa campaign rally, ipaliwanag

Partido sa DepEd: Parental consent sa pagdalo ng studes sa campaign rally, ipaliwanag

March 14, 2022 @ 6:37 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Humihingi ng ulat ang Partido Aksyon Demokratiko mula sa Department of Education (DepEd) hinggil sa posibleng paglabag sa polisiya ng gobyerno laban sa paggamit ng mga pampublikong paaralan para sa mga aktibidad na may kinalaman sa pulitika.

Ito ay makaraang maglabas ng “parental consent” ang Baybayog National High School (BNHS) sa bayan ng Alcala sa Cagayan province kung saan hinihingi ang pag-apruba ng mga magulang para payagan ang kanilang mga anak na lumahok sa “welcome activity” para kay Vice President at presidential candidate Leni Robredo noong Marso 12.

“I am writing your good office to report a possible violation of government policy against using public schools, specifically elementary and high school students, for political activities of presidential candidates. This has something to do with a “Parental Consent” form issued by the Baybayog National High School located in Alcala, Cagayan province,” ang bahagi ng sulat ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel para kay Deped Secretary Leonor Briones noong Marso 11.

Samantala, ayon sa DepEd, inatasan na nila si DepEd Regional Director 2 (Cagayan Valley Region) Benjamin Paragas na magsagawa ng imbestigasyon ukol dito.

“We have demanded an apology from the principal. The letters of parental consent have already been withdrawn. The policy is to treat all candidates equally. We are circulating again all our issuances on partisan politics,” ayon sa text message mula sa opisina ng kalihim ng DepEd.

Matatandaang una nang ipinagbawal ng DepEd ang electioneering at partisan sa kanilang mga empleyado.

Kamakailan lang nang bisitahin din ni Presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso ang mga probinsya ng Quirino, Isabela, Cagayan, at Kalinga. RNT/ JCM