Party drug supplier, sa kulungan na magpaparty-party

Party drug supplier, sa kulungan na magpaparty-party

July 24, 2018 @ 5:26 PM 5 years ago


 

San Juan, City – Arestado ang isang lalaki na nasa drug watch list makaraang ikinasa ang drug buy bust operation laban sa kanya Lunes ng gabi sa San Juan, City.

Kinilala ni San Juan CPS, Chief of Police, PS/Supt. Bowenn Joey M. Patrol, ang suspek na si Ireneo Faraon lll, alias Neo, 40-anyos, may asawa at taga-Barangay Pasadena ng nasabing lungsod.

Sa ulat, na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District Director, PS/Supt. Bernabe Balba, dakong alas-7:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ang mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PS/Insp. Edwin Malaban sa Barangay Ermitano na nagresulta ng kanyang pagkaaresto.

Bago ang pag-aresto, nakatanggap ang pulisya ng isang impormasyon na si Faraon ay patuloy na nagbebenta ng mga iligal na droga sa kanilang lugar na nakalista bilang drug personality sa lungsod.

Nakuha sa suspek ang Yamaha motorcycle model 2018 na walang plaka, tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang droga (ecstasy tablet) na inilagay sa kompartimento ng kanyang motorsiklo at P500 marked money.

Sinabi ni Masauding, na ang suspek ay suplayer ng mga droga sa drug party sa isang club sa Quezon City, ngunit tumanggi itong pangalanan ang pinagmumulan ng ecstasy.

Kasalukuyang ang suspek ay nakapiit sa San Juan Police detention at habang inihanda ang kasong sa paglabag sa Artikulo 2 ng Republic Act 9165 o Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Section 5 (Pagbebenta ng ipinagbawal na droga), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs). (Toto Nabaja)