Party drugs na idineklarang key chain, nasamsam ng BOC-NAIA at PDEA

Party drugs na idineklarang key chain, nasamsam ng BOC-NAIA at PDEA

October 16, 2020 @ 2:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 196 piraso ng “ecstasy” o mas kilala na party drugs sa isinagawa nilang inspeksyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa BOC-NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), ang mga nasabing ecstasy ay idineklarang “key chain” na ipinadala ng isang Jansen J.J.K. mula Amersfoort, Netherlands at ipadadala sana ito sa Cebu City.

Sa isinagawang 100% physical examination sa kargamento ay nadiskubre ang may 196 piraso ng ecstasy tablet at 151 gramo ng MDMA powder na isa sa mga pangunahing sangkap sa paggawa ng nasabing party drugs na umaabot sa street value na P750,000.

Kinumpirma naman ng PDEA na ang mga nasamsam na tabletas gayundin ang mga crystallized substance ay may sangkap na MDMA o ecstasy/molly.

Ang mga nasabing iligal na droga ay nasa kustodiya ng PDEA para sa karagdagang imbestigasyon gayundin ang pagsasagawa ng inquest proceedings sa mga responsable nito dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).  Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...