Party-list ni Pialago, ligwak sa balota ng Halalan 2022

Party-list ni Pialago, ligwak sa balota ng Halalan 2022

January 12, 2022 @ 9:36 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Ligwak sa balota sa party-list elections ang Malasakit Movement kung saan ang dating beauty queen at Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago ang first nominee nito.

“In view of the resolution of its pending incident” sinabing hindi isinama ang Malasakit sa final list ng party-list candidates ng Commission on Elections (Comelec) para sa Halalan 2022, ayon sa inilabas na abiso ng Office of the Clerk ng Commission (OCOC), Martes.

“In performance of this mandate, the OCOC hereby notifies that party-list registrant Malasakit Movement Inc. (Malasakit Movement) has been excluded in the final listing of party-list candidates to appear in the ballot in connection with the May 9, 2022 National and Local Elections in view of the resolution of its pending incident,” dagdag pa sa abiso.

Kabilang sa iba pang nominee sina Mark Ryan Ponce, Eusebio Simbajon Avancena Jr., Natasha Supan Rodriguez, at Monroe Laurenze Dimaano.

Matatandaang kasama ang Malasakit Movement sa 13 party-list groups na may “pending incidents.”

Mayroong 165 party-list groups ang pinayagan ng Comelec na makibahagi sa raffle noong December 10, 2021 kaugnay sa order of listing sa official ballot.

Nilampasan na ng Comelec ang number 96 ballot na unang inilaan sa Malasakit Movement sa ginawang raffle noon. RNT