Party-list raffle ng Comelec suspendido; aapelang grupo may panahon pa

Party-list raffle ng Comelec suspendido; aapelang grupo may panahon pa

December 9, 2021 @ 7:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang nakatakdang raffle upang matukoy ang ballot placement ng party-list groups sa Halalan 2022, at sinabing sanhi ito ng potensyal na mga apela sa Supreme Court (SC). 

Ayon sa Comelec, ililipat sa Disyembre 14 ang dapat sana’y gaganaping electronic raffle sa Disyembre 10, “in order for the party-list groups… to have the opportunity to secure a status quo ante order from the Supreme Court.”

Tinutukoy ng poll body ang 107 party-list groups na ibinasura ang rehistrasyon na nangangahulugang diskwalipikado na sila na lumahok sa raffle at sa Halalan 2022.

Isa sa mga hindi pinayagang party-lists na maghahain ng apela sa SC ay ang Nurses United. Subalit, kailangan munang matanggap ng grupo ang en banc resolution na nagbabasura sa kanilang motion for reconsideration. 

Sakaling aprubahan ng SC ang plea for status quo ante order sa tamang oras, maaaring lumahok ang grupo sa raffle sa Martes. RNT/SA