Party-list system, amyendahan ‘wag buwagin – Gabriela

Party-list system, amyendahan ‘wag buwagin – Gabriela

February 24, 2023 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela party-list na magdudulot ng problema ang planong pagbuwag sa party-list system ng bansa, lalo pa’t ito ang nagrerepresenta sa marginalized sectors ng lipunan.

Tugon ito ni Brosas sa suhestyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nagreresulta lamang sa redundancy ng representasyon ang party-list system at ginagamit lamang ng ilang politiko sa pang-aabuso ng kapangyarihan.

“That view [of dela Rosa] is problematic because our laws ensure that 20% of the seats in the House of Representatives are for party-list, to serve as check and balance. We should be faithful to the law,” sinabi ni Brosas sa panayam ng DZBB nitong Biyernes, Pebrero 24.

“How can representatives from sectors needing dire attention secure seats without it? We don’t see removing party-list representatives helping in securing just representation,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Brosas na dapat amyendahan ang batas sa party-list system partikular na ang pagpayag ng batas na suportahan ng pamahalaan at malalaking negosyo ang ilang party-list groups.

“What we are pushing for is for the law to be amended so that the party-list system won’t be used by the big business to piggy back on,” ani Brosas.

“Baka iyong concerns niya ay dahil they will not have any say in con-con. Baka sila ang mabuwag, kaya baka ganyan siya,” giit pa ng mambabatas, na ang tinutukoy ay si Dela Rosa. RNT/JGC